
Ready to face a new challenge na ang Star of the New Gen na si Jillian Ward bilang isa sa mga bagong judge ng The Clash Teens, na mapapanood na simula June 7.
Ayon kay Jillian, naghahanda na siya para maging credible siya sa pag-upo sa Clash Panel kasama ang Asia's Romantic Balladeer na si Christian Bautista at BGYO member at dating Clasher na si JL Toreliza.
"Nagsi-singing lessons na rin po talaga ako ngayon para syempre mas may knowledge po ako," ika ni Jillian sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras kamakailan.
Bukod sa boses, nais ni Jillian na mag-focus sa pag-spot ng star factor ng teen contestants.
Patuloy niya, "Ang role ko sa The Clash ay hindi lang bilang isang judge sa mga boses nila pero sa star factor nila on stage kasi naniniwala po ako na sobrang importante rin yung pagiging storyteller ng isang artist."
Samantala, naghahanda na rin si Jillian sa kanyang first solo concert sa July 31 na gaganapin sa New Frontier Theater.
Panoorin ang buong ulat sa video sa ibaba.
RELATED FEATURE: Jillian Ward wows fans with latest photos