GMA Logo My Ilonggo Girl
Source: GMA Public Affairs
What's on TV

Jillian Ward, taos-puso ang pasasalamat sa record-high TV ratings 'My Ilonggo Girl'

By Aedrianne Acar
Published March 11, 2025 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

My Ilonggo Girl


'My Ilonggo Girl,' nagtala ng bagong record-high TV ratings sa primetime nitong Lunes, March 10.

Hindi papatinag sa primetime ang number one kilig-serye ng bayan na My Ilonggo Girl matapos itong makapagtala ng mataas na TV ratings nitong Lunes, March 10.

Simula nang umere ng GMA Prime series nitong Enero, ang 8.7 ratings na naitala sa NUTAM People Ratings ang pinakamataas na naabot ng programa na pinagbibidahan nina Star of the New Gen Jillian Ward at primetime heartthrob na si Michael Sager.

Nagpasalamat si Jillian sa lahat ng mga sumusubaybay sa kuwento ni Tata sa post niya sa Instagram Story ngayong araw.

Samantala, mas kaabang-abang ang mangyayari sa My Ilonggo Girl ngayong Martes ng gabi dahil ipapalasap na ni Tata ang paghihiganti niya kay Venice (Myrtle Sarrosa)!

Ano ang mangyayari kapag nakita ni Venice sa party ang kaniyang legal husband na si James (Yasser Marta)?

Sundan ang pasabog ni Tata 2.0 sa My Ilonggo Girl sa bago nitong oras na 9:25 p.m., pagkatapos ng Mga Batang Riles.