
Hindi lamang kilala ang Star of the New Gen na si Jillian Ward bilang isang mahusay na aktres, kundi maging sa kanyang angking ganda.
Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ng My Ilonggo Girl star ang ilang skincare secrets kung bakit glowing ang kanyang skin.
“I always exfoliate my skin tapos super mino-moisturize ko rin po talaga 'yung skin ko, and sobra po akong mag-water,” lahad ng aktres.
Ayon pa sa report, nagte-take rin si Jillian ng vitamins at supplements, ngunit ang kanyang susi sa pagkakaroon ng healthy skin ay healthy diet at good vibes.
“Healthy na pagkain and, siyempre, kapag happy ka it shows,” saad niya.
Bukod sa kanyang beauty at talento bilang aktres, humanga rin ang marami sa kanyang singing at dancing skills.
Noong Enero, matatandaan na inawit at sinayaw ng Sparkle actress ang "Crazy In Love" ni Beyonce sa weekend musical comedy variety show na All Out Sundays.
Samantala, kasalukuyang napapanood si Jillian sa GMA Public Affairs romcom series na My Ilonggo Girl.
TINGNAN ANG GORGEOUS LOOKS NI JILLIAN WARD SA GALLERY NA ITO.