
Ang pretty Ilongga na si Tata (Jillian Ward), lumipad muna sa General Santos City para makisaya sa Kalilangan Festival.
Game na game sa kanilang performance ang My Ilonggo Girl stars na sina Jillian Ward at ang leading man nito na si Michael Sager sa Kapuso Mall Show event.
Nakasama rin ng MicJill sa GMA Regional TV event na ito ang co-stars nila sa mini-series na sina Lianne Valentin at Yasser Marta.
Sa panayam ng 24 Oras kay Jillian, sinabi nito na masaya siya na nakasama nila ang mga Kapuso na taga-Gensan.
“Masaya po ako, talagang pumunta po sila dito. Masayang masaya po kami.”
RELATED CONTENT: Jillian Ward's looks that prove she's embracing her young adult era
Hindi naman daw makakalimutan ni Michael ang mga natikman niyang tuna delicacies.
Kuwento nito sa Chika Minute, “Grabe ang sarap ng tuna dito. It's very fresh, 'yung raw tuna and cooked tuna, it was really good.”
Samantala, nalaman na ni Tata na may anak na babae si Sir Gov (Richard Quan) sa episode ng My Ilonggo Girl nitong Lunes (February 24).
Dito, inilahad ng stepfather ni Francis (Michael Sager) kung bakit nawalay siya sa anak niya sa babae na ang pangalan ay si Carmen.
Makakutob kaya si Sir Gov na si Tata ang nawawala niyang anak?
RELATED CONTENT: