GMA Logo  jillian ward
Source: jillian (IG)
What's Hot

Jillian Ward, willing ba pumasok sa PBB?

By Faye Almazan
Published April 1, 2025 11:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 22, 2025
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

 jillian ward


Kasalukuyang celebrity housemates ang ilan sa mga kaibigan ni Jillian Ward, kabilang na sina Michael Sager at Vince Maristela.

Proud si Star of the New Gen Jillian Ward sa kanIyang mga kaibigan na parte ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Kabilang sa mga ito ay sina Sparkle actor Michael Sager na naging leading man ni Jillian sa series na My Ilonggo Girl, at ang kanilang co-star na si Vince Maristela na kakapasok pa lamang sa loob ng Bahay ni Kuya.

Sa 24 Oras report ni Aubrey Carampel ay may maikling mensahe si Jillian sa kanIyang mga kaibigan na ngayon ay celebrity housemates.

“I pray for the best kay Michael (Sager) and sa iba kong friends. Basta paglabas ninyo, ako bahala sa inyo. Ililibre ko kayong lahat,” ani Jillian.

Nang tanungin naman kung willing siyang pumasok sa PBB House ay pabirong sinagot ni Jillian na baka ma-evict siya agad.

“Baka ma-evict ako agad kasi ang tagal ko maligo [at] lagi akong natutulog. Pero if ever na nandon ako, siguro ako 'yung laging magsasaing na lang,” sagot ni Jillian.

Mapapanood ngayon ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC, weekdays 10:00 p.m. at weekends 6:15 p.m.

RELATED GALLERY: CELEBRITY HOUSEGUESTS SA PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION