GMA Logo jim and james salas eat bulaga
Image Source: umdkingjim (Instagram)
What's on TV

Jim at James Salas, nagpasalamat sa 'Eat Bulaga' sa pagbibigay ng break sa Universal Motion Dancers

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 2, 2023 12:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

jim and james salas eat bulaga


Alam niyo bang ang 'Eat Bulaga' ang nakadiskubre sa '90s dance group na Universal Motion Dancers o mas kilala bilang UMD?

Taos-pusong nagpasalamat ang twin dancers na sina Jim at James Salas kina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon at sa lahat ng bumuo ng Eat Bulaga sa pagbibigay-daan sa popular na '90s dance group na Universal Motion Dancers.

Ang Eat Bulaga ang nakadiskubre at nagbigay ng break sa UMD noong 1990. Nagsimula sila sa programa bilang back up dancers hanggang sa naging regular performer sila sa noontine show.

A post shared by Umdkingjim Salas (@umdkingjim)

"Walang Universal Motion Dancers kung hindi dahil sa Eat Bulaga. Sila po ang naka-discover sa amin at nagbigay ng break. 1990, kauna-unahan dancers from back up to solo spot number performance," sulat ng magkapatid na Jim at James sa magkahiwalay na Instagram post.

"Naging regular kami from Mondays to Saturdays po sa Eat Bulaga kaya malaki po ang utan na loob namin at saludo at may respeto kami kina Tito Sen, Bossing Vic, at Sir Joey, at sa lahat po ng bumubuo ng Eat Bulaga."

A post shared by JAMES SALAS 🤟👑 (@umdjamessalas)

Bukod kina Jim at James, parte rin ng Universal Motion Dancers sina Wowie De Guzman, Gerard Fainsan, Brian Furlow, Marco McKinley, Norman Santos, at Gerry Olivia.

Nitong Miyerkules, May 31, inanunsiyo nina Tito, Vic, at Joey ang pag-alis nila sa TAPE Inc., ang matagal nang producer ng Eat Bulaga. Kasabay nito ay pagre-resign din ng kanilang co-hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K., Maine Mendoza, at Ryzza Mae Dizon.

Sa isang statement na inilabas ng TAPE Inc., sinabi nitong "unfortunate" ang pag-alis ng mga host pero "life must goes on."

Anila, "Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at higit pa sa isang libo't isang tuwa na Eat Bulaga.'"

BALIKAN KUNG PAANO HUMANTONG SA PAGRE-RESIGN NINA TITO, VIC, AT JOEY, AT LAHAT NG STAFF NG EAT BULAGA MULA SA TAPE INC. SA MGA LARAWANG ITO: