GMA Logo Jim and James Salas
Celebrity Life

Jim Salas, may sama ng loob nga ba kay Barbie Imperial dahil sa issue nito sa anak na si Paul

By Hazel Jane Cruz
Published January 16, 2025 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Jim and James Salas


Ayon kay Jim Salas ay tinuring daw nilang parang anak si Barbie.

Nang sumalang ang UMD star na si Jim Salas sa “Kitchen-terrogate” sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay kasama sina Mikee Quintos at Chef Ylyt, ito ang diretsahan niyang sinabi: “[...] aaminin ko talagang sumama ang loob ko [kay Barbie].”

Binalikan ni Mikee ang naging isyu noon sa pagitan ng anak ni Jim na si Paul Salas at ex-girlfriend nitong si Barbie Imperial.

Tanong ni Mikee, “Nagkaroon po ng issue dati si Paul sa kaniyang ex na si Barbie Imperial; nagkaroon po ba kayo ng sama ng loob kay Barbie?”

“Oo naman,” diretsahang pag-amin ni Jim, “Ako, aaminin ko talagang sumama ang loob ko [kay Barbie], dahil siyempre, bilang magulang, malalaman mo 'yung balita na ganon, para sa amin, hindi siya fair na ganoon [dahil] after all tinuring ko siya na parang anak na rin.”

“Kasi ako, basta mahal ng anak ko, mahal ko na rin,” dagdag pa nito. “Tapos parang kami pa 'yung pinalabas na ganoon, so parang na-hurt ako.”

RELATED GALLERY: Photos that show Paul Salas's transition from tweetums to hottie

Matatandaang naghiwalay noong 2018 ang celebrity couple dahil na rin sa pagiging “toxic” ng kanilang relasyon.

Ngunit noong 2023, masayang ibinahagi ni Paul sa March 23, 2024 episode ng Fast Talk with Boy Abunda na naka-move on na raw ito sa kaniyang ex-girlfriend na pinili niyang hindi na pangalanan.

“Actually, aaminin ko po, ngayon lang po nawala yung pagiging bitter ko sa kanya,” ani Paul. “Kasi noong time na 'yun, hindi ko matanggap Tito Boy na, ilabas yung mga ganung news about me na matagal ko nang sinasabi na hindi naman talaga totoo.”

Ngayon ay nasa happy and healthy relationship na ito sa kapwa GMA artist at Lutong Bahay host na si Mikee Quintos.

Kasalukuyan ding ginagawa ng dalawa ang kanilang first rom-com movie na ipapalabas ngayong 2025.

BALIKAN ANG EUROPE TRIP NINA PAUL AT MIKEE SA GALLERY NA ITO: