What's Hot

Jimboy Salazar, hindi alam ang sanhi ng kanyang karamdaman

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 23, 2020 2:19 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada slows down as 4 Bicol areas under Signal No. 2
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News



Naging usap-usapan na buto't balat na raw si Jimboy Salazar dahil sa sakit na pneumonia. Nagbigay ng pahayag sa 'Startalk' ang singer-actor. 

By ANN CHARMAINE AQUINO

 
Nitong Mayo, ibinalita ng Startalk na nagkaroon ng sakit na pneumonia si Jimboy Salazar. At ngayon ay ibinahagi ni Jimboy ang kanyang kalagayan matapos ang ilang buwang pagpapagamot.
 
READ: Jimboy Salazar, hindi na matutuloy ang kasal
 
"May sinasabi sa akin na kakaiba ang sakit ko. Baka daw may bumati sa akin. Hanggang sa sabi na meron na daw bakla na umano sa akin kasi ang nangyari sa akin kakaiba. Sabi nga ng nanay ko, ano ito? Mahirap sabihin."
 
Dagdag ni Jimboy, "Malabo ang mata ko so nagpapabasa 'ko. Nagpapalakas pa lang ako, hindi pa ako naglalakad. Under medication pa ako, pabalik-balik pa ako kasi nga ilang days na ako sa hospital." 
 
Ayon sa Startalk, may isang mensahe silang natanggap mula sa kaibigan ni Jimboy na nagngangalang Beth Santos upang humingi ng tulong pinansyal. Ngunit ayon kay Jimboy, hindi niya umano kilala ang Beth Santos na nagpadala ng mensahe.
 
Pahayag niya, "Halos kamag-anak namin ang mga Santos pero wala po ako kilalang Beth. Pero siguro kung iba ang pangalan niya sa Facebook. Baka ganoon ang nangyari. Pero, wala po akong kilalang Beth Santos pero baka nag-iba ng pangalan."
 
Kuwento ni Jimboy tulong tulong daw ang kanyang pamilya sa kanilang gastusin sa kanyang pagpapagamot. Ngunit humihingi pa rin ito ng tulong pinansyal sa sino mang maaaring magbigay na may mabuting loob. 
 
Aniya, "Ilang beses akong na-confine, ang gastos talagang ano ako, kumbaga naubos 'yung savings ko sa mga shows. Lahat."