What's Hot

Jimboy Salazar, hindi na matutuloy ang kasal

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 7:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026: Crowd hits 5.2M; over 100 persons fainted
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Nasa ibang bansa na diumano ang kaniyang dating nobyo. 
By MARAH RUIZ
 
Noong Disyembre ng nakaraang taon, ipinakilala ng dating artistang si Jimboy Salazar ang kanyang boyfriend na si John Danan sa publiko.
 
Ibinahagi din nitong ikakasal na sila at kasalukuyang pinaplano ang kanyang dream wedding. 
 
READ: Jimboy, ikakasal na sa nobyo

Ngunit nang bisitahin ng Startalk si Jimboy sa Pampanga, inamin nito na naghiwalay na sila ni John. Ayon sa kanya bumalik daw si John sa Singapore para magtrabaho. 
 
Dagdag sa kanyang pighati, tinamaan pa umano si Jimboy ng pneumonia. 
 
"Ito po, kagagaling ko lang sa ospital. Na-confine po ako for eight days," panimula nito. 
 
Napansin na lang daw niyang pumapayat siya at matapos kumunsulta sa doktor, nalamang nananatili ang sipon sa kanyang mga baga.
 
Hindi naman daw nag-aalala si Jimboy na baka mas malalang ang sakit na tumama sa kanya. 
 
"Malayo pong mangyari kasi maingat po ako sa ganyan," wika nito.