Celebrity Life

Jimuel at Michael Pacquiao, nagsisikap na gumawa ng sarili nilang pangalan

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 5, 2020 7:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)
Lalaki, ano ang nahanap sa lugar na tinatahulan ng kanyang mga aso? | GMA Integrated Newsfeed
January 19, 2026: One North Central Luzon Livestream

Article Inside Page


Showbiz News



Papasok na nga ba sa showbiz ang mga anak ni Manny Pacquiao?


May kasabihan na kung ano ang puno ay siya ring bunga. At masasabi mang hindi maiiwasang mahiwalay sina Jimuel at Michael sa usapin tungkol sa kanilang amang si Manny Pacquiao, nagsusumikap pa rin ang dalawang binata na gumawa ng sarili nilang pangalan.

Mas marami ang nakapansin sa magkapatid na Pacquiao nang magsimula sila maging endorsers. Unang nakapukaw ng atensyon si Jimuel nang ibahagi ng kanyang ina na si Jinkee ang kanyang litrato mula sa prom.

LOOK: The Pacquiao brothers are the new endorsers of a popular clothing brand 

Nang sumikat at magkaroon ng sariling kita ay naging galante rin ang panganay at ikalawang anak nina Manny at Jinkee. Ito ay pinatunayan din ng kanilang mga pinsan.

Kuwento ni Pauline Jamora sa Kapuso Mo, Jessica Soho, “’Yung kinita nilang pera is ise-share nila sa amin  by pag pupunta kaming Manila, ise-share nila by shopping and bonding.”

READ: Ano ang namana ni Jimuel Pacquiao sa amang si Manny Pacquiao? 

Mabubuti raw ang loob ng dalawang binata.

“Masasabi ko, personality ni Jimuel na parang medyo mahiyain, 'tsaka si Michael naman parang moody minsan. Pero pag nakakausap mo na siya, parang bibo na siya 'tsaka mababait silang dalawa. Masunurin na mga bata,” ani Jinkee.

Napansin din ng kanilang English coordinator sa kanilang paaralan na si Teodora Allen ang magandang katangian nina Jimuel at Michael.

“Walang bahid ng kahambugan. Very nice  boys. Saludo nga ako sa pagpapalaki ni Jinkee at saka ni Manny sa kanila,” pahayag niya.

Grade 10 na ngayon si Jimuel habang grade 9 naman si Michael. Ang pag-aaral daw ang kanilang priority at hindi ang pagpasok sa showbiz.

“Gusto muna namin tapusin ang school. You know, go to college and yeah, like we said, we didn’t want to be like models and stuff since basketball has been the dream ever since,” wika ni Jimuel.

“We grew up playing so parang ‘yun din ‘yung dream namin so basketball players talaga,” dagdag din ng panganay ni Manny.

Hindi man sila malalayo sa pangalan at celebrity status ng kanilang ama, ginagamit nilang oportunidad ito para maging mabuting impluwensiya.

“It’s a blessing to be in this family, and then like my brother said, be good example for teenagers,” pahayag ni Michael.

MORE ON THE PACQUIAOS:

WATCH: Bunsong anak nina Manny at Jinkee Pacquiao, nalito kung sino ang tunay niyang ina? 

#FamilyGoals: The humble life of the Pacquiaos 

LOOK: 11 rich celebrity kids