
Ipinagdiriwang ni South Korean actor Kim Ji Soo ang kanyang 33rd birthday ngayong March 30.
Kaya naman may mensahe para sa kanya ang content creator, singer at fellow Korean niya na si Jin Ho Bae.
Binati ni Jin Ho si Ji Soo sa kanyang kaarawan at tinawag pa itong "sunbaenim" o senior sa industriya o trabaho.
"Hello Ji Soo sunbaenim. I think it's okay to call you sunbaenim. Happy birthday, please stay healthy and continue to entertain us with your cool image. Thank you! Happy birthday! God bless," lahad niya sa wikang Koreano.
Nakatangap din ng maagang birthday surprise si Ji Soo sa set ng Never Say Die.
Minabuti ng cast at production na i-advance ang birthday celebration nito dahil nakatakdang umuwi sa South Korea ang aktor.
SILIPIN ANG BIRTHDAY CELEBRATION NI KIM JI SOO SA SET NG 'NEVER SAY DIE' DITO:
Samantala, nakatakdang mag-guest appearance si Jin Ho Bae sa action-drama series na Never Say Die.
Gaganap siya dito bilang Eun Ji, business partner at kaibigan ng karakter ni Ji Soo.
Abangan si Jin Ho Bae sa Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari rin itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.
RELATED CONTENT: Kim Ji Soo is entering the new year with a lot of hot and stylish moments