Celebrity Life

‘Jingo is my man’- Miguel

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 18, 2020 5:24 AM PHT

Around GMA

Around GMA

WALANG PASOK: Cebu province, Cebu City suspend classes for Monday, January 19, 2026
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Napakaganda ng taong 2014 para kay Miguel Tanfelix. Bukod sa kanyang hit primetime series na 'Niño', nakikipagsabayan din ang Kapuso tween sa comedy kasama ang Dabarkad host na si Ryan Agoncillo at Kapuso sweetheart na si Carla Abellana sa Saturday comedy program na 'Ismol Family'.
BY AEDRIANNE ACAR

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Napakaganda ng taong 2014 para sa Starstruck kid alumnus na si Miguel Tanfelix. Bukod sa kanyang hit primetime series na Niño, nakikipagsabayan din ang Kapuso tween sa comedy kasama ang Dabarkad host na si Ryan Agoncillo at Kapuso sweetheart na si Carla Abellana sa Saturday comedy program na Ismol Family.

Puro magagandang reviews ang natatanggap nitong si Miguel mula sa televiewers sa pagganap niya bilang Tan-Tan, ang masugid na manliligaw ni Yumi, played by Bianca Umali.

Dahil sa magandang chemistry nga nila Bianca at Miguel on-screen maraming nagsasabi na may potensyal na maging next big love team ang dalawa.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Miguel, ikinuwento nito na marami siyang natutunan sa fellow cast members niya sa Ismol Family, lalo na sa larangan ng pagpapatawa.

Ayon sa kanya, ang mga veteran comedians na sina Ms. Carmi Martin at Pekto ay nagbabahagi ng mga pointers sa pagpapatawa, na isinasapuso daw niya para higit na mapagbuti ang kanyang pag-arte.

“Para kay Kuya Pekto,kailangan mo lang maging natural sa camera para at least mas light lang 'yung eksena, mas comedy. Si Ms. Carmi Martin [dahil] dati na siyang artista, so medyo marami siyang alam at [ibinahagi]. Tulad ng professionalism, kung paano 'yung anggulo-anggulo mo sa camera, hanap ng camera, ganun” saad ng Ismol Family star.

Sa tanong naman na kung siya ay papipiliin ng character na gusto niyang gampanan sa Ismol Family bukod kay Tan-tan, sino kaya ito? Sagot ng binata, “siguro si Kuya Ryan as Mang Jingo, kasi para doon mo matututunan kung paano maging responsible na ama.”

Makuha na kaya ni Tan-tan ang matamis na oo ni Yumi? Well, make sure to tune-in sa Ismol Family, every Sunday evening pagkatapos ng Vampire and Daddy ko and please visit it’s show page, like them on Facebook and follow them on Twitter.