GMA Logo jinkee pacquiao
Photo source: jinkeepacquiao (IG), GMA Network
Celebrity Life

Jinkee Pacquiao, excited sa baby girl ng anak na si Jimuel

By Karen Juliane Crucillo
Published October 14, 2025 2:34 PM PHT
Updated October 14, 2025 3:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

jinkee pacquiao


Jinkee Pacquiao sa magiging apo sa anak na si Jimuel at kanyang girlfriend: “Next month na natin makikita ang baby girl natin!”

Tuwang-tuwa si Jinkee Pacquiao matapos ibahagi ang masayang balita tungkol sa gender reveal ng magiging apo niya sa anak niya na si Jimuel Pacquiao at sa girlfriend nito.

Sa Facebook, ibinahagi ni Jinkee ang isang video kung saan ibinalita ni Jimuel at ng kanyang girlfriend ang gender reveal ng kanyang magiging anak. Makikita sa video na tumalon-talon si Jinkee sa tuwa nang mabanggit na ito ay “baby girl.”

Ibinahagi ni Jinkee na una niyang hula ay lalaki. Nagkaroon pa raw sila ng pustahan na tig-100 dollars, at tuwang-tuwa ang grupo nina Janet dahil sila ang nanalo matapos malaman na baby girl pala ang resulta.

“Next month na natin makikita ang baby girl natin! Proud Mammita,” dagdag pa niya.

Ani Jinkee sa kanyang caption, “Grabe kasadya! (Gender reveal) Bisan ako wala ko ka guess kay lalaki ang akong gitagna. Nagpila sila boy or girl unya naay 100 dollars mao lipay kaayo sila janet ilang grupo ang nidaug kay girl sila. Next month na namo makita ang baby girl namo! Proud Mammita."

(Sobrang saya! [Gender reveal] Kahit ako hindi ko nahulaan kasi lalaki ang hula ko Pumila sila para tignan kung lalaki o babae tapos 100 dollars sila kaya tuwang-tuwa sila na nanalo si Janet at ang grupo niya dahil babae sila. Next month na natin makikita ang baby girl natin! Proud Mammit)

Noong July, nag-post si Jinkee ng pagbisita ng kanyang pamilya sa Los Angeles, California para makilala ang pamilya ng rumored girlfriend ni Jimuel.

"Tonight deserves something special. Family dinner time. Cherishing family moments," sabi nito sa caption.

A post shared by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao)

Samantala, tingnan dito ang family reunion ng Pacquiaos: