
Nitong Martes, June 9, inanunsiyo ni Jinkee Pacquiao na mamimigay siya ng PhP 100,000 sa kanyang YouTube subscribers.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Jinkee ang dapat gawin ng mga nais makatanggap ng naturang halaga mula sa kanya.
“This is a thank you to all my subscribers and future subscribers.
“I am giving away PhP 100,000 to be used for groceries or back-to-school money for your kids.
“Just do these 3 easy steps, go to my Youtube channel then like, subscribe and hit the notification bell button.
“Watch out for my announcement soon!” aniya.
As of writing, may 571,000 subscribers na sa nasabing platform si Jinkee.
At gamit ang anunsiyo, hangad niyang makaipon ng one million subscribers.
“Message lang kayo kung ano pa ang inyong gustong mapanood at sinu sino pa ang gusto ninyong i-guest ko.
“Again, thank you for subscribing and watching my Youtube channel. #roadto1Msubscribers #myYTJinkeePacquiao.”
Jinkee Pacquiao shares her multi-step morning skin care routine in latest vlog
Jinkee Pacquiao tours house in GenSan, gives love advice to young couples
Inilunsad ni Jinkee ang kanyang YouTube channel noong October 2019, kasabay ng kanyang vlog na may titulong “Dancing With Man,” tampok ang asawa niyang si Senator Manny Pacquiao.