
Hindi nagpahuli ang Filipina personality at asawa ni boxing champ Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa nagdaang Miss Universe 2025.
Ilang netizens ang napansin ng pagkakahawig ni Jinkee sa bagong Miss Universe na si Fatima Bosch ng Mexico, kabilang ang Facebook internet persona na si Senyora.
Ngunit nakatutuwang sagot ni Jinkee: “Parang ang layo naman, Senyora. Pero thank you na rin.”
“God bless you, Senyora,” dagdag komento nito.
Pabirong sagot naman ng Facebook internet persona: “Salamat sa 'God bless' Miss Jinkee, pero mas blessed sana ako pag nalamanan ang bayong.”
“Pasok ba ang segway natin kay Madam Jinkee?” tanong pa nito sa Facebook.
Kinoronahan si Fatima Bosch ng Mexico bilang bagong Miss Universe noon Biyernes, November 21, sa Thailand.
Sinundan ito nina Praveenar Singh ng Thailand, Stephany Abasali ng Venezuela, Ahtisa Manalo ng Pilipinas, at Olivia Yace ng Côte d'Ivoire.
RELATED GALLERY: FILIPINO CELEBRITIES AND THEIR FOREIGN LOOK-ALIKES