
Ibinahagi ni Jinkee Pacquiao sa Instagram ang sweet moment nila ng asawang si Manny Pacquiao habang pinapakain matapos ang laban kay Yordenis Ugas sa Las Vegas, Nevada noong Linggo.
Sa video, makikita na habang pinapakain ni Jinkee ang asawa ay kinakausap sila ng sportscaster na si Dianne Castillejo at sinabing, "Grabe naman 'yan Manny pag-aalaga ng asawa mo."
Agad naman itong sinagot ni Manny, "Through thick and thin."
"Sa hirap at ginhawa magkasama kayo kasi you are one," dagdag pa ng "Pambansang Kamao."
Sa post sa Instagram, tinalakay ni Jinkee kung paano mapapanatiling buhay ang pagsasama ng mag-asawa.
"Your best friend should be your spouse. Marriage is a unique, fragile bond between man and a woman. It is unique in that no other relationship between man and a woman allows them to become one.
"If a couple keeps the romance alive in their own marriage, the temptation to look for someone else to meet their needs will be much less appealing," sulat ni Jinkee.
Samantala, muling nag-post si Jinkee sa Instagram ng larawan nilang pamilya kung saan magkakatabing nakaupo habang hinihintay na magsimula ang laban ni Manny.
Balikan sa gallery sa ibaba ang masayang bakasyon ni Jinkee Pacquiao at ng pamilya nito sa Los Angeles: