GMA Logo Jinky Oda
Celebrity Life

Jinky Oda, umaming nahihirapan kalabanin ang homesickness sa U.S.

By Dianne Mariano
Published July 16, 2021 8:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jinky Oda


Alamin kung bakit nakakaramdam ng lungkot ang dating aktres at komedyante na si Jinky Oda sa U.S.

Naalala niyo pa ba ang dating aktres at komedyanteng si Jacque “Jinky” Oda?

Sa ulat ng 24 Oras, ibinalita ni Chika Minute reporter Iya Villania na matagal ng naninirahan sa U.S. si Jinky Oda at nagtatrabaho siya bilang isang security guard.

Dagdag pa ni Iya Villania na hindi raw maiwasan malungkot at makaramdam ng “homesickness” ang dating aktres.

Ayon naman sa balita ni Lhar Santiago, maraming pinasok na trabaho si Jinky Oda mula nang manirahan siya sa U.S. pero ang pagiging security guard daw ang pinaka-nagustuhan niya.

Ngayon na tapos na ang kanyang trabaho bilang isang security guard sa isang pagawaan ng sasakyan, naghihintay si Jinky sa kanyang bagong raket bilang isang security officer muli.

Sa panayam ni Jinky Oda sa “Chika Minute” ng 24 Oras, ibinahagi ng dating aktres na malapit na syang magsimula muli sa panibagong trabaho.

“Wala naman akong criminal record, kaya pasok sa banga ang beauty ko,” nakatutuwang sagot ni Jinky.

Dagdag pa niya, “This time medyo, ano ito, parang promotion na din kasi I think they're going to put me in a supervising position.”

Inamin din ni Jinky Oda na hindi madaling kalabanin ang kalungkutan at ang homesickness bilang mag-isa siyang naninirahan sa Northern California.

“Hindi ko akalain na meron palang homesick. Homesick is real,” ani Jinky.

“Kasi nga dito, like ngayon lay off ako ngayon. Three weeks lay off. Kapag wala kang ginagawa, nganga. Mababagot ka kasi wala kang makakausap,” dagdag ng dating komedyante.

Samantala, ang nag-iisang anak ni Jinky ay naka-base sa Florida kasama ang pamilya ng kanyang asawa.

Hindi rin itinanggi ni Jinky na mayroon nang lalaki na nagpapasaya sa kanya.

Aniya, “Bale, getting to know. Kasi dito, iba yung style ng relationship nila. It's so different. Culture shock ako doon actually.”

Nakakasama rin ni Jinky sa California ang kanyang mga kapwa artista na sina Ruffa Mae Quinto, Donita Rose, at LJ Moreno.

Isang post na ibinahagi ni Jacque ”jinky” Oda (@im4evervictorious)

Kabilang din si Jinky sa isang play kung saan makakasama niya si Dabarkads Ruby Rodriguez at magaganap ito sa Los Angeles sa darating na Oktubre.

Ayon kay Jinky, ito ay isang musical tungkol sa buhay ni San Lorenzo Ruiz at gagampanan niya ang role ni Donya J.

Kilalanin naman ang iba pang mga artista na naninirahan sa ibang bansa habang mayroong pandemya sa gallery na ito: