
Sa kasalukuyan, nagdesisyon ang pamilya ni Anjo na tanggalin na ang life support na bumubuhay sa kaniya ngayon. Ngunit hindi pa rin handa si Iya at ang mga kasamahan nila sa Mount Jiri National Park rangers na iwan sila ng kanilang kasamahan.
Samantala, alang-alang kay Anjo, ipinagpatuloy nina Iya at ng iba pang Park Rangers ang kanilang pag-i-imbestiga para mahanap ang totoong killer.
Sa pag-iimbestiga nina Iya at ng iba pang Park Rangers ay malalaman nila na bawat isa sa mga residente ng Black Ridge Village ay sang-ayon na sa cable car project sa Mount Jiri.
Ayon pa kay Iya, isang batas na nagpoprotekta sa wildlife at plantlife ang ipinatupad kaya naman wala nang dahilan pa ang mga residente para manatili pa dun.
Para mahanap ang iba pang impormasyon na kailangan nila ay nagpunta si Iya sa police station at ini-lock ang mga pinto para maghanap
Dahil sa mga impormasyon at clues na nakuha nila sa kanilang imbestigasyon ay malalaman na sa wakas ni Iya kung sino ang totoong kriminal na pumapatay sa Mount Jiri.
Matapos makuha ni Iya ang lahat ng ebidensya labang kay Paul Kim ay ipinaalam na niya agad sa mga kapwa niya Park Rangers na ito ang salarin. Binalaan din niya ang mga ito na baka sirain ni Paul ang ebidensya laban sa kanya.
Samantala, sa pag-akyat ni Paul sa bundok ay makakasalubong niya ang multi ni Anjo at sinabi dito kung bakit niya pinatay ang mga hikers.
Dahil nasunog na ang lahat ng ebidensya ay wala nang pinanghahawakan ang mga Park Rangers para hulihin at makulong si Paul. Ngunit hindi pa rin sumusuko si Iya kaya naman, sa tulong ni chief, ay umakyat sila uli ng bundok para mahuli na sa wakas ang killer.