GMA Logo JM and Marielle sing BINI hits
Source: jm_delacerna (IG), It's Showtime, GMA Network
What's on TV

JM Dela Cerna and Marielle Montellano, may sariling twist sa hit songs ng BINI

By Aedrianne Acar
Published July 23, 2024 3:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

BI reminds foreigners to show up for 2026 Annual Report
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News

JM and Marielle sing BINI hits


'Tawag Ng Tanghalan Duets' Grand Champion, JM Dela Cerna at Marielle Montellano, nagpabilib sa duet nila na hit songs ng P-pop girl group na BINI.

Tanggal ang lumbay ng It's Showtime viewers kahit maulan ang tanghali nila ngayong Martes (July 23) dahil sa performance ng “Tawag Ng Tanghalan Duets” Grand Champion na sina JM dela Cerna at Marielle Montellano.

Sa opening ng Kapamilya noontime show, kinanta nila at binigyan ng sariling twist ang ilan sa hit songs ng BINI na “Na Na Na,” “Salamin, Salamin,” at “Pantropiko.”

Matapos ang kanilang opening performance, pinuri ni Ogie Alcasid at sinabing, “'Yung mabibilis na kanta [ng BINI] oo, pinabagal nila. Ginawang ballad.”

Sabi ni JM sa panayam sa kanila ng It's Showtime hosts na pangarap nila na makapag-perform kasama si Ogie. At ayon naman kaya Marielle, hindi sila magsasawang mag-perform para sa kanilang fans.

Lahad ng pretty singer, “Sa dami-dami po 'yun 'yung kumanta at mag-perform. Magpasaya ng ating Madlang Pipol, we would never get tired.”

Balikan ang cool version nina JM Dela Cerna at Marielle Montellano ng popular songs ng BINI sa video:

RELATED GALLERY: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'