GMA Logo JM Yrreverre
Photo source: jmyrreverre (IG)
What's on TV

JM Yrreverre, ilalaban ang panalo nila ni Glaiza De Castro para sa finale ng 'Stars on the Floor'

By Karen Juliane Crucillo
Published October 13, 2025 6:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 16, 2026
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

JM Yrreverre


JM Yrreverre sa kanilang paghahanda ni Glaiza De Castro sa finale ng 'Stars on the Floor': “Gagawin din namin 'yung best namin para dalhin ang sarili namin sa tuktok.”

Habang papalapit ang finale ng Stars on the Floor, lalong tumitindi ang laban para kay JM Yrreverre.

Sa exclusive interview ng GMA Network.com, determinado ang digital dance star na ilaban ang panalo nila ni Glaiza De Castro at patunayan kung bakit sila ang dream star duo ng dance floor.

“Alam mo sa totoo lang, ngayong finale kasi 'yung preparation namin very kanya-kanya talaga e. I would say, sIyempre, nandoon pa rin 'yung competitiveness sa aming dalawa [Glaiza De Castro],” ikinuwento ni JM.

Ibinahagi rin ni JM na kahit marami na silang naipanalo sa programa, hindi pa rin daw doon nagtatapos ang kanilang mga pasabog at ipapakita pa rin nila ang kanilang galing hanggang dulo.

Dagdag pa niya, “Kumbaga the more our wins, parang the greater the responsibility, to alam mo 'yun, to defend until the end.”

Hindi rin naitago ng dancer ang kanyang excitement na makita ang mga inihandang routine ng ibang dance star duos.

“Gaya nga ng sabi ko kanina, hindi biro 'yung binibigay na effort ng duos dito, so excited din ako makita sila kung ano 'yung pinaghandaan nila,” pahayag niya. “Pero sIyempre, gagawin din namin 'yung best namin para dalhin ang sarili namin sa tuktok.”

Tutukan ang mas nag-iinit pang performances nina Glaiza at JM sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Abangan ang final dance battle sa October 18!

Kilalanin dito ang digital dance star na si JM Yrreverre: