
Nakatakda siyang bumida sa Rom.Com, isang one-act play na isinulat at idinirehe ni George A. de Jesus III.
Tila sunud sunod ang biyayang natatanggap ni singer-actor Jett Pangan kamakailan.
Katatapos lang ng 30th anniversary concert ng kanyang bandang The Dawn. Kabilang din siya sa pinakabagong GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat.
Nakatakda din siyang bumida sa Rom.Com, isang one-act play na isinulat at idinirehe ni George A. de Jesus III.
Makakasama niya dito ang theater actress na si Sarah Facuri.
Kuwento ito ni William (Jett) at Beth (Sarah) na kapwa mapagtatanto na ang tunay pag-ibig ay hindi katulad ng nakikita sa mga romatic comedy movies.
Ang Rom.Com ay bahagi ng Tatlong Linggong Pag-ibig na binubuo ng anim na magkakaibang plays tungkol sa iba't ibang aspeto ng pag-ibig.
Magbubukas ito sa Power Mac Center Spotlight sa Circuit Makati sa November 11.
Samantala, mapapanood si Jett as GMA Afternoon Prime series na Hahamakin Ang Lahat. Tunghayan ito Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng Oh, My Mama!
MORE ON JETT PANGAN:
EXCLUSIVE: Jett Pangan celebrates 30 years with The Dawn
Jett Pangan on working with Marc Abaya: 'It's gonna be fun. Diversity 'yan eh!'