GMA Logo Jo Berry
What's Hot

Jo Berry, binalikan ang ilang alaala ng yumaong ama at kapatid

By EJ Chua
Published February 18, 2022 6:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 130 families in Tent City in Cebu get Christmas gifts
Tindera reveal ng TikToker, plot twist na kinaaliwan ng netizens | GMA Integrated Newsfeed
'Love You So Bad,' ngayong December 25 na

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Hindi galit o pait, kundi pasasalamat sa Diyos ang nararamdaman ni Jo Berry sa tuwing inaalala niya ang mga aral na iniwan ng kanyang yumaong ama at kuya.

Seryosong ibinahagi ng Little Princess actress na si Jo Berry sa The Howie Severino podcast ang ilang aral at alaala na naiwan ng kanyang yumaong ama at kapatid.

Lingid sa kaalaman ng marami na bata pa lamang si Jo Berry ay nakitaan na ito ng katapangan at talento sa pamumuno nang maging presidente siya noon sa kanilang klase sa tulong na rin ng suporta at lakas ng loob na nakukuha niya mula sa kanyang ama at pamilya.

Ayon sa aktres, “Impluwensya po 'yun lahat ni Papa kasi mula bata pa po kami, 'yun 'yung lagi niyang sinasabi, e. Kung anuman 'yung gusto naming gawin sa buhay namin, susuportahan niya kami and never kong naramdaman na may limit dati 'yung pangarap ko, e.”

Jo Berry

Bilang isang little person, malaking bagay para kay Jo Berry na makatanggap ng totoong pagmamahal at pagkalinga mula sa kanyang pamilya.

Kaya naman tinuturing niya ang sarili niya na mapalad dahil kahit sa loob lamang ng maikling panahon ay ipinahiram sa kanya ng Diyos ang kanyang Papa at Kuya.

Kuwento ni Jo Berry, “I consider myself very lucky na 'yung kinalakihan kong pamilya is sila. Kasi 'di ba po may mga transition siyempre pag bata ka pa, may mga hindi ka naiintindihan. Pero nung ako nagkakaisip na po ako no'n, nakikita ko na different ako than my friends, my classmates, hindi na ako nagtanong ng question na, 'Bakit ako ganito, Papa?' ganyan.

“Kasi growing up, nakita ko nga kung paano nabuhay si Papa, si Kuya Jay. So 'yung mga tanong ko po, nasagot na siya agad bago ko pa siya itanong na hindi na kailangan i-explain sa akin. Hindi ko na kailangan magkaroon ng stage na tatanggapin ko 'yung sarili ko as a little person, as a different person sa iba kasi nandun si Papa, nandun si Kuya.

"Nakita ko…kung paano nila hina-handle 'yun every day. So, para sa akin, may nakikita na ako, kumbaga may manual na ako. E, nung time ni Papa sa kanya, wala, e. Kasi po siya lang nga ang little person sa family. So, I consider myself very lucky,” dagdag pa niya.

Napanood sa isang episode ng I-Witness na ipinalabas noong 2006 ang ama ng aktres na si Perry Berry Sr., na kaibigan din ng batikang mamamahayag at dokumentarista na si Howie Severino.

Kasalukuyang napapanood si Jo Berry sa pinakabagong GMA television drama series na Little Princess.

Kasama niya rito ang ilang Kapuso stars na sina Rodjun Cruz, Therese Malvar, Juancho Trivino at marami pang iba.

Samantala, tingnan ang ilan sa kahanga-hangang television roles na ginampanan ni Jo Berry sa gallery na ito: