GMA Logo Jo Berry
Source: Eat Bulaga
What's on TV

Jo Berry, dinanas ang hirap ng pagtatrabaho sa isang BPO company noon

By Jimboy Napoles
Published October 25, 2022 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops deployed in C. Visayas to secure Christmas celebration
Luis Pablo is finally home — and a champion: ‘Feels good to win it with La Salle’
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Part 2)

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Dalawang taong nagtrabaho bilang customer service representative si Jo Berry bago siya naging artista.

Gaya ng ibang mga artista, naranasan din ng Kapuso actress na si Jo Berry ang maging empleyado ng isang kumpanya bago siya sumikat at makilala.

Sa episode ng "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga kahapon, Lunes, October 24, proud na ikinuwento ni Jo ang kanyang naging trabaho noon bilang customer service representative sa isang BPO company.

Kuwento niya, "Nag-BPO po ako for 2 years bago po ako naging artista.

"Sa banko, customer service representative ako, sa calls po ako and ako po 'yung nagha-handle ng cards ng customer, debit cards, credit cards, travel cards, 'yun po yung mga nahawakan ko."

Ibinahagi rin ng aktres na halos araw-araw din siyang nakakatagpo noon ng mga masusungit na kliyente na hindi naiintindihan ang mga proseso sa kanyang trabaho.

Aniya, "Yes po, everyday 'yun kasi siyempre kapag tayo din naman 'di ba kapag may problema tayo tapos kailangan natin 'yung pera siyempre ganun.

"Pero kami kailangan din namin na mag-stick doon sa verification [process] muna to avoid na magkaroon ng fraudulent activities kasi nangpo-fraud nga yung ibang callers so kailangan sure na account nga nila 'yung hinahandle namin.

"Kailangan lang po talaga ng maraming pasensya. Kailangan ipaintindi sa kanila na wala rin akong magagawa as an agent on my end kasi kailangan yung process na yun para ma-open yung account and matulungan sila," dagdag pa niya.

Dahil sa mga ganitong sitwasyon, minsan na ring napuno si Jo kung saan kinailangan niyang ikalma ang sarili pagkatapos ng pag-uusap nila ng kliyente.

"Nainis ako parang kailangan ko talaga ng few minutes after ng call, nag-break talaga ako para lang mawala yung inis ko," ani Jo.

Hindi naman akalain ni Jo na mabilis niya ring iiwan ang naturang trabaho nang makapasok siya sa mundo ng showbiz.

Ang kanyang pag-aartista, nagsimula lamang daw sa asaran nila ng kanyang Kuya noong 2016 nang tuksuhin siya nito sa isang audition ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Aniya, "Nagsimula lang po siya sa dare lang, 'yung Kuya ko kasi inaasar niya ako na pwede sana ako doon sa hinahanap na role for Magpakailanman kaso lang wala akong pleasing personality so bilang gusto kong patunayan na magkakaroon ako ng experience sa audition sa showbiz, so yun nag-audition ako tapos binigay naman nila sa akin."

Pagkatapos ng kanyang acting debut sa Magpakailanman, tinawagan si Jo ng GMA para ialok ang kanyang first lead role sa isang Kapuso series na Onanay na agad naman niyang tinanggap.

Ang seryeng ito ay nagbukas pa ng maraming oportunidad at proyekto kay Jo gaya ng The Gift at Little Princess.

KILALANIN SI JO BERRY SA GALLERY NA ITO: