What's on TV

Jo Berry honors Gardo Versoza in an Instagram post

By Jansen Ramos
Published February 20, 2019 7:20 PM PHT
Updated February 20, 2019 7:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Australia shuts dozens of east coast beaches after shark attacks
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Jo Berry to Gardo Versoza: "Thank you sa laging pagbuhat kahit mapunit man ang pantalon mo at marami pang iba." Read more:

Ikinuwento ni Jo Berry ang samahan nila ng kaniyang Onanay co-star na si Gardo Versoza.

Jo Berry
Jo Berry

Sa isang Instagram post, inalala ni Jo ang mga hindi niya malilimutang alaala sa beteranong aktor na kung tawagin niya'y "cupcake" noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

Bahagi ng 25-year-old actress, "Si Cupcake ang pinaka unang naging ka-close ko na artista.

"For some reason, komportable na 'ko agad mag-share ng secrets at ka-weirdo-han ko sa kaniya.

"Isa s'ya sa maraming tinuro sa'kin with acting and life."

Ani Jo, ito raw ang dahilan kung bakit labis ang kaniyang kalungkutan noong namaalam na ang karakter ni Dante na siyang ginampanan ni Gardo sa Onanay.

WATCH: Dante's heartbreaking death marks Gardo Versoza's exit from 'Onanay'

"Kailangan ko i-convince 'yung sarili ko na hindi totoo 'yung nangyayari just so I can stop crying," sabi ni Jo.

Sa dulo ng kaniyang post, ipinahiwatig ni Jo ang kaniyang pasasalamat sa aktor na isa sa mga unang naging kaibigan niya sa industriya.

"I'm blessed to have you Cupcake @gardo_versoza.

"Thank you sa laging pagbuhat kahit mapunit man ang pantalon mo at marami pang iba.

"Mahal kita always!"

I have a top 5 most painful scenes for Onay and Tiyo Dante's death is definitely one of them. Paalam Tiyo Dante maraming salamat sa hindi mabilang na pagkakataong pinunasan mo ang luha, pinagtanggol at pinatawa mo si Onay. si Cupcake ang pinakaunang naging kaclose ko na artista for some reason komportable nako agad magshare ng secrets at kaweirdohan ko sakanya. Isa sya sa maraming tinuro sakin with acting and life. Kaya during Tiyo Dante's death scene everytime na mag kacut kailangan ko iconvince yung sarili ko na hindi totoo yung nangyayari just so I can stop crying. Im bless to have you Cupcake @gardo_versoza thank you sa laging pagbuhat kahit mapunit man ang pantalon mo at marami pang iba Mahal kita always! 😘 #onanayfam #onanay #cupcake #gardoversoza #onandoffcam

A post shared by Jo Berry (@tinyhedwig) on