
Isang full-circle moment para kay Jo Berry ang pagbida niyang muli sa Magpakailanman ngayong Sabado, April 18. Lalo pang naging espesyal ito dahil gaganap ang aktres sa sarili niyang kwento.
Sa pagbisita nila ni Sienna Stevens sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 14, inamin ni Jo na nahirapan siyang ibigay ang kanyang kwento sa naturang drama anthology series dahil sa matinding pinagdaanan sa buhay.
Matatandaan na noong pandemic ay magkakasunod na pumanaw ang kaniyang lolo, ama, at kuya. Aminado si Jo na hindi pa siya ganoon kahanda balikan ang mga nangyari.
“But at the same time, nu'ng nagawa ko na nga po, naisip ko na 'yung purpose nu'n is bigger than I can understand right now so gusto ko pong ipakita rin 'yun sa lahat kasi gusto ko rin na ma-inspire sila du'n sa story ko, du'n sa nangyari sa pamilya ko,” sabi ni Jo.
Ngunit ang unang paglabas niya sa Magpakailanman at dahil sa mga role na ginampanan niya, naging malaking inspirasyon ngayon si Jo sa kapwa niya little people at iba pang differently-abled people.
“Sinasabi po nila na hindi na sila masyadong nahihiya ngayon na lumabas sa street kasi ang tawag na sila 'yung mga character names po, hindi na po kung ano-ano, hindi na po sila inaasar kasi ang naiisip na daw po 'pag nakikita sila is 'yung mga role na nagawa ko kaya natutuwa rin po sila,” sabi ni Jo.
TINGNAN ANG ILAN SA MOST NOTABLE ROLES NI JO SA GALLERY NA ITO:
Pag-amin ni Jo, nag-umpisa lang naman siya sa showbiz dahil gusto lang naman niyang masubukan ang pag-aartista.
Ngunit ngayon, “Meron na pong ganu'ng kalaking epekto sa iba pang mga tao. Very happy po 'yung heart ko sa kinalabasan.”
Panoorin ang panayam kina Jo at Sienna rito: