GMA Logo Jo Berry
What's Hot

Jo Berry, ipinagdiwang ang ika-walong taon bilang Kapuso

By Marah Ruiz
Published March 8, 2026 6:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to send formal request to Congress for oil excise tax reduction
BulaqueƱo finishes in Top 10 of international culinary tilt
Farm to Table: (March 8, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Eight years nang Kapuso si Jo Berry.

Ipinagdiwang ng aktres na si Jo Berry and ika-walong taon niya bilang isang Kapuso.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Jo ang isang litrato niyang kinunan sa lobby ng GMA Network Center.

Suot ang isang yellow dress, makikita ditong nag-pose ang aktres malapit sa logo ng GMA.

"from 'Try ko lang!' to 8 years na! Maraming Salamat mga kapuso #8thyearanniversary," sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Jo Berry (@thejoberry)

Unang napanood si Jo sa isang episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "My Little Wife," kuwento ito ng little person na nakapangasawa ng isang taong may average height.

Ang unang regular series ni Jo ay ang hit primetime series na Onanay na pinagbidahan niya kasama ang mga beteranong aktres na sina Nora Aunor at Cherie Gil.

Matapos ang serye, nagtuloy-tuloy na ang television projects niya at muling naging lead star sa hit afternoon drama series na Lilet Matias: Attorney-at-Law.

Nakatakda namang maging bahagi ni Jo ng upcoming GMA Prime series na The Master Cutter kasama si Dingdong Dantes.