What's on TV

Jo Berry, Kiray Celis, at iba pang guest stars ng 'Dear Uge,' nagpasalamat kay Eugene Domingo

By Jansen Ramos
Published February 12, 2022 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

dear uge stars


Maraming artista at baguhang komedyante ang naging parte ng GMA weekly show na 'Dear Uge' sa loob ng anim na taon.

Sa loob ng anim na taon, naging bahagi ang iba't ibang artista ng Kapuso comedy program na Dear Uge.

Kabilang diyan ang mga baguhang komedyante na minentor ng main star ng programa na si Eugene Domingo.

Sa loob ng ilang taon, nakasama ni Uge sina Terry Gian, Skelly Clarkson, at Jessa Chichirita kaya lubos ang pasasalamat nila sa batikang komedyante at award-winning actress.

Ganito rin ang sexy comedienne na si Keanna Reeves na grateful kay Eugene at nang maging parte ng show nitong Dear Uge. Kaya sa pagtatapos ng programa, wish niya ay tuloy-tuloy ang happiness ni Uge sa piling ng kanyang Italian partner na si Danilo Bottoni.

Nakilala mang dramatic actress, masaya ang Little Princess lead star na si Jo Berry na mapabilang sa Dear Uge kung saan lumabas siya bilang Madam So Very. Ayon kay Jo, malaki ang pasasalamat niya sa mga bumubuo ng programa dahil sa tiwalang ibinigay nila sa kanya na tumampok sa isang comedy show.

Ilang beses na ring naging guest star ng Dear Uge si Kiray Celis kaya hindi niya malilimutan ang masayang samahan na nabuo sa set ng programa.

Samantala, malungkot man sa pamamaalam ng Dear Uge, honored sina Patricia Ismael at Buboy Villar na maging parte sa huling handog ng weekly show sa mga manonood.

Tampok sina Patricia at Buboy sa farewell episode ng Dear Uge na pinamagatang 'Maid To Order' na mapapanood ngayong Linggo, February 13.

Kasado man ang pagtatapos, maaari pa ring mapanood ang past episodes ng minahal at kinagiliwang Dear Uge sa GMANetwork.com o GMA Network app, at sa YouTube channel ng YoüLOL.