
Magbabalik ang aktres na si Jo Berry bilang ang minahal na abogadong si Atty. Lilet Matias ngayong mapapanood na siya sa GMA Prime drama-action series na Mga Batang Riles.
Sa post ng GMA Drama sa Instagram, nakumpirma nang si Jo ang pinakabagong makakasama ng Mga Batang Riles sa pagtatanggol nila sa Sitio Liwanag.
Nauna nang ginampanan ni Jo ang karakter ni Atty. Lilet Matias sa GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias, Attorney-At-Law.
"Resbak is real! Ano kaya ang maging papel niya sa buhay ng #MgaBatangRiles? ABANGAN!" nakalagay sa caption.
Ano kaya ang papel ni Atty. Lilet sa buhay nina Kidlat (Miguel Tanfelix), Kulot (Kokoy de Santos), Sig (Raheel Bhyria), at Dags (Anton Vinzon)?
Panoorin ang Mga Batang Riles, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime, dahil nasa riles ang tunay na aksyon! Mapapanood rin ito tuwing 10:30 p.m. sa GTV.