
Makikipagkulitan ang former Little Princess star na si Jo Berry ngayong Linggo (March 26) sa The Boobay and Tekla Show!
Makikita natin ang fun side ng aktres dahil sasabak siya sa isang kilig interview. Sa “Jojowain o Totropahin” segment, ilalahad ni Jo ang kaniyang mga crush sa showbiz.
Bukod dito, isang Sparkle heartthrob naman ang magbibigay ng mensahe sa aktres.
Samantala, ipamamalas ni Jo ang kaniyang galing sa improvisational comedy sa segment na "Ang Arte Mo" kasama ang Mema Squad members na sina Buboy Villar, John Vic De Guzman, Pepita Curtis, at Ian Red.
Bago matapos ang masayang gabi, tampok ang tatlong lucky viewers sa “Pasikatin Natin 'To," isang countdown ng funniest homemade videos na isinumite ng publiko.
Abangan ang episode ng TBATS ngayong Linggo (March 26), 10:40 p.m., sa GMA, GTV, at Pinoy Hits - Channel 6 ng GMA Affordabox at GMA Now.
Mapapanood din ang programa sa official Facebook page ng TBATS at YouTube channel ng GMA Network at YouLOL.
SAMANTALA, ALAMIN ANG NOTABLE TV ROLES NI JO BERRY SA GALLERY NA ITO.