
Napapanood ngayon sa intense drama na Akusada ang dating well-loved lawyer na si Atty. Lilet Matias. Ito ay ginampanman ni Jo Berry sa dating GMA Afternoon Prime series na Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Mula sa pagiging attorney, nag-level up na si Lilet bilang isang judge sa korte.
Hawak ni Judge Lilet ang kaso ni Carol/Carolina Astor (Andrea Torres) na may bagong identity ngayon--si Lorena.
Tampok sa latest episodes ng serye ang imbestigasyon at paglilitis kay Carol na inaakusahang pumatay kay Joi (Max Collins), ang unang asawa ni Wilfred (Benjamin Alves).
Sa episode na ipinalabas ngayong Lunes, August 25, ipinasilip na ang role ni Jo sa Akusada.
Ano kaya ang hatol niya sa kaso ni Carol/Lorena (Andrea Torres)?
Abangan 'yan sa susunod na episodes ng intense drama series na Akusada. Mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa Kapuso Stream at GMA Afternoon Prime.
Maaari ring balikan at panoorin ang full episodes nito sa gmanetwork.com/Akusada.
Related gallery: Jo Berry's most notable television roles