GMA Logo Jo Berry
What's Hot

Jo Berry parodies "Green Light, Red Light" girl in 'Squid Game' in hilarious video

By Jansen Ramos
Published October 11, 2021 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry


Mayroon ng mahigit 100,000 views ang nakakaaliw na 'Squid Game' parody ng 'Little Princess' lead star na si Jo Berry matapos i-post ng GMA Pinoy TV ang video sa kanilang Facebook page.

Hindi nagpahuli ang GMA actress na si Jo Berry na gawan ng parody ang sikat na sikat ngayong Korean crime/drama sa Netflix, ang Squid Game.

Habang nasa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na Little Princess, nagkatuwaan si Jo at ilang production staff ng programa at naisipang gumawa ng kanilang version ng popular na eksena sa Squid Game kung saan huhulihin ng malaking manika ang sinumang makikita nitong gumalaw kapag nag-red light.

Sa videong ito na kuha ng Little Princess director na si L.A. Madridejos, si Jo ang gumanap 'Green Light, Red Light' girl.

Kinaaliwan ito ng netizens at nakakuha pa ng mahigit 100,000 views matapos i-post ng GMA Pinoy TV sa kanilang Facebook page.

Mapapanood si Jo Berry bilang bida sa upcoming series na Little Princess.

Makakasama niya rito sina Juancho Triviño, Rodjun Cruz, Angelika Dela Cruz, Jestoni Alarcon, Geneva Cruz, Jenine Desiderio, at iba pa.