
Tumatak kay versatile actress na si Jo Berry ang GMA Prime series na The Master Cutter dahil sa action scenes niya sa show.
Sa serye, napunta sa isang underground boxing fight ng little people ang karakter niyang si Ame at kinailangan siyang iligtas ng master tracker na si Atoy, played by Mr. Dingdong Dantes.
Sa panayam ni Jo sa GMANetwork.com, taos-puso ang pasasalamat niya sa production team ng The Master Cutter dahil inalalayan siya sa bawat eksena.
Natuwa rin siya sa pagiging metikuloso ng show lalo na ng kanilang director na si Dominic Zapata na mapaganda ang fight scenes niya bilang Ame.
Kuwento ni Jo, “Gusto ko bigyan ng credit 'yung production team, kasi sobrang alaga nila sa akin. Siyempre, 'pag binasa mo pa lang 'yung script and if you see me personally. iisipin mo kung paano ko ie-execute 'yun ng hindi ako mahu-hurt talaga, na hindi naman talaga naiiwasan 'pag action.”
Pagpapatuloy niya, “Pero 'yung alaga nila like si Direk Dom [Dominic Zapata], grabe 'yung alaga. Yung mga AD [Assistant Director], mga PA. Kasi 'yung mga eksena, 'yung action director namin talagang sinigurado nila na kahit nung na-edit na ay parang totoong totoo.
“Sinigurado naman nila na habang ginagawa namin 'yun ay hindi naman [at] iiwasan talaga na masaktan ako. Lalong hindi ako sanay.”
“'Pag nagti-take kami ng isang eskena na 'yung mga boxing scenes lalo na with Tessie, 'yung kalaban ni Ame, 'yung action director namin tutok na tutok. Tapos ilang takes yun, kasi gusto nila na hindi aabot 'yung suntok sa akin.”
Mapapa-'anak ng sinulid' ang lahat sa mga maaksyon na tagpo sa The Master Cutter sa GMA Prime, pagkatapos ng 24 Oras. Mapapanood ang second telecast ng show sa GTV sa oras na 9:45 p.m.
RELATED CONTENT: