GMA Logo jo berry
Source: thejoberry/IG
What's on TV

Jo Berry, wala sa plano ang maging artista: 'Never naman napunta sa isip ko'

By Kristian Eric Javier
Published April 15, 2026 12:31 AM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: UST gains confidence boost ahead of crucial game vs NU
Farm to Table: (April 19, 2026) LIVE
Stories of hope, strength, and new beginnings

Article Inside Page


Showbiz News

jo berry


Para kay Jo Berry, aksidente lang ang pagpasok niya sa showbiz at ang pagkilalang tinatamasa niya ngayon.

Isa sa mga hinahangaang artista ngayon si The Master Cutter actress Jo Berry dahil sa galing niya sa pag-arte at sa pagiging inspirasyon sa ibang little people at different-abled people. Ngunit ang pag-aartista, wala umano sa plano ng aktres.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 14 kasama si Sienna Stevens, binalikan ni Jo kung papaano siya naengganyo na mag-audition para sa drama anthology series na Magpakailanman.

Kwento ni Jo, wala naman sa plano niya ang maging artista lalo na at mayroon siyang corporate job. Sa katunayan, kahit noong bata pa siya ay wala rin siyang pinakitang interes sa pagpasok sa showbiz.

Sa kanyang pagbisita sa talk show, pinabalikan ni King of Talk Boy Abunda ang kanyang unang audition.

Ani Jo, “'Yung Magpakailanman po talaga 'yung unang nagtiwala sa 'kin a sila 'yung nag-open ng doors para magkaroon ako ng career kasi very stressful day po sa office, inasar ako ng kuya ko na may naghahanap ng little person, page po ng little people, tapos sabi niya, 'Pwede ka sana kaya lang wala ka kasing personality.' So tinake ko na challenge.”

Pagbabahagi ni Jo, pag-uwing pag-uwi niya galing sa opisina, sinabi niya kaagad sa kaniyang ama ang planong mag-audition. Takang-taka pa umano ito dahil kahit kailan ay hindi naman talaga nagpakita ng interes si Jo na mag-artista.

Ang dahilan umano niya, “Gusto ko lang po ma-try.”

Sabi pa ni Jo, noong dumating siya sa GMA Network para mag-audition, halos lahat ng mga kasabayan niya ay may karanasan na sa pag-aartista, at siya lang yata umano ang baguhan pa lang. Kaya naman naisip na ng aktres na hindi siya matatanggap.

Ngunit iba yata ang plano ng pagkakataon sa kaniya, “Pero ayun po, binigay ni Lord. Binigay sa 'kin 'yung role.”

Ngayong Sabado, April 18, ay magbabalik si Jo sa naturang anthology series para gampanan ang sarili sa kuwento ng kaniyang buhay. Ayon pa sa actress, isang full-circle moment ito para sa kaniya dahil sa kaniyang simula sa naturang serye.

BALIKAN ANG ILAN SA MOST NOTABLE ROLES NI JO SA GALLERY NA ITO: