GMA Logo Jo Berry tribute to Onanay one year apart
What's Hot

Jo Berry's tribute to 'Onanay,' one year apart

By Marah Ruiz
Published April 16, 2020 6:26 PM PHT
Updated April 17, 2020 12:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 20, 2026
Awarding Ceremony sa mga Nakadaog sa Sinulog Grand Parade 2026, Gipahigayon | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News

Jo Berry tribute to Onanay one year apart


Balikan ang naging tribute ni Jo Berry sa programang 'Onanay' sa pagtatapos nito noong 2019 at sa unang anibersayo ng finale nito ngayong 2020.

Malaking bahagi ng buhay ni Kapuso actress Jo Berry ang GMA drama series na Onanay dahil ito ang first lead role niya bilang isang aktres.

August 6, 2018 hanggang March 15, 2020 ang original run ng serye sa GMA Telebabad.

Isang araw bago ito magtapos, binalikan ni Jo ang pagsisimula ng partisipasyon niya sa serye. Ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang look test nila ng co-stars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez.

Minsan nang ibinahagi ni Jo na malaking bahagi sina Mikee at Kate sa pagtanggap niya ng proyektong Onanay. Iniidolo kasi niya ang dalawa dahil fan siya ng 2016 telefantasyang Encantadia kung saan lumabas ang dalawa.

"Throwback thursday. Onanay Look test, ang iniisip ko lang ng mga panahong to? paano ko magagawa nang maayos ang trabaho ko nang hindi nakakasagabal yung pagiging fan girl ko sa dalawang to," sulat niya.

Throwback thursday 😀 Onanay Look test, ang iniisip ko lang ng mga panahong to? paano ko magagawa ng maayos ang trabaho ko ng hindi nakakasagabal yung pagiging fan girl ko sa dalawang to 😂 #onanay

Isang post na ibinahagi ni Jo Berry (@thejoberry) noong


Matapos ang isang taon, muling binalikan ni Jo ang finale ng Onanay. Ayon sa kanya, naging emosyonal siya sa last taping day ng serye.

"Same day last year before sunrise umiiyak ako sa kalsada while trying to hug everybody! We started very early that day maraming kailangan tapusin na eksena main unit and second unit mga scenes ko so pingpong ako nakamindset nako na hindi ako iiyak pagnatapos na yung araw na yon dahil hindi naman talaga ako iyakin na tao pero nung narinig ko na yung “pack up!” for the last time as Onay onti onti na nagsink in sakin na hindi ko na makikita or makakasama regularly yung additional family ko na nabuo for almost a year ng buhay ko sa unang sabak ko sa industry ng showbiz. First and Last pung ako mula simula hanggang matapos haha Ayon! Umiyak ako while saying goodbye!" kuwento niya.

Mas naging espesyal pa sa kanya ito dahil naipalabas ang drama sa ibang bansa tulad ng Ecuador.

"Pinapalabas din sa Ecuador ang Onanay ngayon at hindi ko akalain na mamahalin din nila ang kwento ni Onay muchas gracias por apoyar el amor mas grande, Ecuador," dagdag pa ni Jo.

Same day last year before sunrise umiiyak ako sa kalsada while trying to hug everybody! We started very early that day maraming kailangan tapusin na eksena main unit and second unit mga scenes ko so pingpong ako nakamindset nako na hindi ako iiyak pagnatapos na yung araw na yon dahil hindi naman talaga ako iyakin na tao pero nung narinig ko na yung “pack up!” for the last time as Onay onti onti na nagsink in sakin na hindi ko na makikita or makakasama regularly yung additional family ko na nabuo for almost a year ng buhay ko sa unang sabak ko sa industry ng showbiz. First and Last pung ako mula simula hanggang matapos haha Ayon! Umiyak ako while saying goodbye! 😂 March 15,2019 last airing ng Onanay Grateful for everything! 🥰 Thank you po sa inyong lahat! 🙏🤗 Kapusin man tayo sa ganda... sa kinang... sa tangkad. Hindi dahilan yun para tayo maging iba sa lahat. Dahil may puso rin tayo... marunong magmahal... handang masaktan. Kaya rin nating maging kaibigan...anak...asawa...ina... higit sa lahat... may karapatan din tayong maging masaya! ~Onay Pinapalabas din sa Ecuador and Onanay ngayon at hindi ko akalain na mamahalin din nila ang kwento ni Onay 🙂 muchas gracias por apoyar el amor mas grande, Ecuador 😘🤗 #OnanayFam #Onanay #Onayko

Isang post na ibinahagi ni Jo Berry (@thejoberry) noong


Kasalukuyang napapanood muli ang Onanay, Lunes hanggang Biyernes, 3:20 pm sa GMA Afternoon Prime.