What's Hot

Joanne Quintas’ special role sa ‘Beauty Queen’

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 2, 2020 8:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Two high-speed trains derail in Spain, broadcaster reports 5 people killed
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



Maituturing na isang all-around artist ang beauty queen at actress na si Joanne Quintas. She opens up about her very special role sa ‘Beauty Queen’.
Joanne Quintas opens up about her very special role sa ‘Beauty Queen’. Text by Karen de Castro. Photo by Mitch Mauricio. starsBeauty Queen. Nakakatulong ba sa kanyang ginagawa ngayon ang kanyang naging experience sa beauty pageants noon? “Opo, kasi alam ko kung ano yung pinagdaanan ko kasi,” says Joanne. “Parang yung mga beauty pageants na ito, alam ko yung mga nangyayari sa likod, so alam ko rin yung makeup na pang-beauty pageant. Ayun, tuwang-tuwa naman po ako na ako yung kinuha nila para mag-supervise at magbigay ng mga certain looks para sa ating mga artista dito sa Beauty Queen.” Ayon kay Joanne, eleven years na siyang nagme-makeup at nagiging stylist ng kapwa niya artista. Ano kaya ang kanyang nararamdaman sa tuwing ire-request siya ng mga kapwa niya artista? “Naku, sobrang siyempre nakakatuwa naman po na na-request ako,” pag-amin niya. “Siyempre po, privilege sa akin yun na talagang sa print-ad nila ako yung mago-groom sa kanila. Kaya irequest niyo na lang po ako ulit!” Maliban sa pagiging image consultant sa Beauty Queen, siya rin ay ang make-up artist ni Raymond Gutierrez para sa Party Pilipinas. “Kapag Sunday wala naman po akong masyadong ginagawa nun, so ayun, na-hire po ako ni Raymond Gutierrez na mag-makeup sa kanya. Pagkatapos po ng Party Pilipinas, diretso po yun ng Showbiz Central. Minsan, mga ibang artista din po mine-make-upan ko po doon.” Maliban sa pagiging make-up artist at image consultant, photographer at graphic artist din si Joanne. Hindi ba siya napapagod sa dami ng kanyang ginagawa? “Hindi rin kasi ako nakukuntento na yun lang ang ginagawa ko. Kailangan meron akong pinag-aaralan, pero lahat arts-related din talaga,” paglalahad niya. Pag-usapan si Joanne sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!