
Napagtagumpayan ni Joaquin Arce ang challenge ni Big Brother para sa Kapamilya housemates kapalit ng Big Ticket para sa Big Jump.
Sa episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, na ipinalabas nitong Miyerkules, February 4, ipinasilip ang naging laban ng Kapamilya housemates para sa Big Ticket na magiging pass para makausad sa Big Jump.
Ang nagwagi rito ay ang tinaguriang Rising Dreamer ng Muntinlupa na si Joaquin.
Samantala, sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang unang nabigyan ng Big Tickets bilang housemates na deserving umano na makapag-compete para sa Ultimate 8 spot sa pamamagitan ng Big Jump challenge.
Sa naturang challenge, nakatakdang magharap ang dalawang Star Magic artists na mayroong tickets na sina Joaquin at Lella.
Related gallery: Meet the 20 housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0
Sino kaya sa Kabataang Pinoy housemates ang mapapabilang sa Ultimate 8?
Huwag palampasin ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m. at 6:15 p.m. naman tuwing Sabado at Linggo.
Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream na mapapanood sa link na ito: www.gmanetwork.com/pbblivestream.