
Mula sa hit primetime series na First Yaya, bibida ang young actor na si Joaquin Domagoso sa upcoming movie Caught in the Act.
Ayon sa binatang anak ni Manila Mayor Isko Moreno, marami siyang natutunan sa kauna-unahang drama series na kinabilangan niya.
"Siguro all the practical acting experiences I've gone through First Yaya will surely help with this upcoming project.
"Pero yung transition period ko po, I'll definitely have one.
"Siyempre, iba yung character ni Jonas sa First Yaya sa character ko ngayon.
"Yun lang ang aalagaan ko when it comes to transitioning from this show to the next.
"Pero the experiences that I've learned from First Yaya--sina Sanya Lopez, Gabby Concepcion, mga veteran--that will surely help me in this project."
Masaya rin si Joaquin sa magandang pagtanggap ng mga manonood sa naturang GMA Telebabad series, na namamayagpag sa ratings.
At sa nalalapit na pagtatapos nito, umaasa ang Kapuso teen actor na magkaroon ito ng Book 2.
Aniya, "I hope there will be an extension na Book 2 because as of the moment, we've finished Book 1, and First Yaya will have no taping in the future.
"But it will be announced, when the show ends, if there will be a continuation or not.
"So, prayers, I hope it gets continued.”
Samantala, sa pelikulang Caught in the Act, na ididirehe ni Perry Escaño, gaganap si Joaquin bilang isa sa mga estudyanteng magde-develop ng isang crime-stopping mobile application.
Habang tine-test ang mobile app, makaka-witness ang grupo nina Joaquin ng isang krimen na kasasangkutan ng isang sindikato. Sa pamamagitan ng app, maire-report ng mga estudyanteng gumawa ng app ang krimen sa mga awtoridad.
Sa kasamaang palad, ang unang makatatanggap ng mensahe ay ang pinuno ng pulisya, na bahagi ng sindikato. Dahil dito, manganganib ang buhay ng karakter ni Joaquin at mga kasama nito.
Ayon kay Joaquin, excited na siyang gampanan ang role niya sa pelikulang ito dahil kakaiba ito mula sa First Yaya.
Paglalarawan niya, "It's my first movie outside of my management. First lead role din among others.
"Si Barn yung leader ng group. At first, you'll see him na medyo lazy and parang walang silbi, pero he's actually very smart and playful."
Dagdag pa niya sa huli, "Compared sa role ko sa First Yaya, this role that I'm tackling, medyo may quirkiness ang character kaya I'm excited to work on this project."
Kilalanin pa si Joaquin Domagoso sa gallery: