
Hindi maitago ni Joaquin Domagoso ang kilig nang tanungin siya ng GMA News showbiz reporter na si Lhar Santiago tungkol sa video nila ni Cassy Legaspi na sweet na sweet sa taping ng First Yaya.
Napaamin tuloy si Joaquin na talagang kinilig siya noong nahuli sila ng co-star nilang si Cai Cortez.
"Nagsasayaw kami tapos si Ate Cai, si Ate Norma, parang nagbi-video siya sa story niya tapos biglang nakita kami, nahuli kami sa camera," kuwento ni Joaquin.
"Nakilig ako kasi huli talaga, e."
Hindi naman tinatago ni Joaquin na hinahangaan niya si Cassy.
Dagdag niya, "She's this bright glowing energy na sobrang funny, super cared, loving, lahat.
"Just her attitude, e, it's what she brings to her acting rin, sobrang serious siya."
Mapapanood sina Joaquin at Cassy sa First Yaya, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.