
Ibinahagi ni Joaquin Domagoso ang kaniyang ginagawang paraan para mapagsabay ang kaniyang pag-aaral at showbiz career.
Kuwento ni Joaquin sa Hangout nitong April 6, parehong importante sa kaniya ang edukasyon at showbiz career kaya kinakaya niyang pagsabayin ito.
Gayunpaman, inaamin niya na hindi rin naman ito madali.
Kuwento ng First Yaya actor, "It's kind of hard kasi minsan same day 'yung school ko and same day 'yung parang workshop or work."
Photo source: @jdomagoso
Nagpapasalamat si Joaquin dahil naiintindihan naman ng kaniyang paaralan na siya ay nagtatrabaho rin bilang artista.
"Thankful ako sa school ko na pinapagbigyan ako ng chances to work as an artist.
"Kinakaya ko naman po with school and other activities. Balance lang. Balance lang talaga. Time management."
Dugtong pa ng aktor, kapag gusto ng isang tao ang ginagawa niya, posible ito kahit gaano pa kahirap.
"Kung gusto may paraan," diin pa niya.
Isa pang natanong kay Joaquin sa Hangout ay kung ano sa tingin niya ang career niya sakaling hindi siya nag-artista.
Sagot ng binatang aktor, "Siguro maging direktor."
Ayon kay Joaquin, isa ito sa kaniyang mga pinapangarap na career.
"Pangarap ko pa rin kasi, siyempre, sa pinupuntahan ko ngayon puwede pa 'yun maiging direction of where I'm gonna move on towards after being an artist."
"Directing movies... I want to direct a sitcom one day. That's my dream."
Panoorin ang episode ng Hangout kasama si Joaquin sa video.
Kilalanin pa si Joaquin sa gallery na ito: