
Isang panibagong parangal na naman ang natanggap ng Kapuso actor na si Joaquin Domagoso!
Muling kinilala ang Sparkle heartthrob na si Joaquin Domagoso sa Gawad Manilenyo 2023 na ginanap kahapon, June 22, sa Manila Metropolitan Theater Plaza.
Dahil sa kanyang husay at galing bilang isang aktor, hinirang siya bilang Natatanging Manilenyo sa Larangan ng Pag-arte.
Sa ilang larawang ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center, makikitang personal na tinanggap ni Joaquin ang parangal mula kay Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Matatandaang hindi ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinilala si Joaquin sa kanyang talento.
Nakatanggap na rin si Joaquin ng iba't ibang parangal mula sa mga international award-giving bodies gaya ng New York Cinema Independent Awards, 16th Toronto Film and Script Awards, Five Continents International Film Festival, at Boden International Film Festival.
Samantala, kabilang si Joaquin sa powerhouse cast ng inaabangang legal drama series na Lilet Matias: Attorney-at-Law kung saan makakasama niya ang Kapuso stars na sina Jo Berry, Zonia Mejia, Hannah Arguelles, mga batikang aktres na sina Sheryl Cruz, Glenda Garcia, at Teresa Loyzaga, Sparkle hunk na sina Jason Abalos at EA Guzman, at komedyante na si Ariel Villasanta.
TINGNAN ANG MOST DASHING PHOTOS NI JOAQUIN DOMAGOSO SA GALLERY NA ITO: