
Kasama sa mga naglaro sa 'Lakas ng Dating' matching game sa Sarap, 'Di Ba? kahapon (February 15) si Joaquin Domagoso kung saan si Cassy Legaspi ang mamimili ng kanyang ka-match.
Nang hindi napili ang huli, pabiro nitong tinanong ang dalaga nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel kung bakit hindi siya ang napili nito bilang post-Valentine date.
Sa huli, ang napili ni Cassy ay ang comedian na si Osang, na may code name na Shaquille O'Neal, dahil sa kanyang funny and charming personality.
IN PHOTOS: Isko Moreno's equally handsome son Joaquin Domagoso
Panoorin ang nakakaaliw na matching game na ito sa February 15 episode ng Sarap, 'Di Ba?: