GMA Logo Joaquin Domagoso and father Isko Moreno
What's Hot

Joaquin Domagoso tungkol sa kaniyang amang si Isko Moreno: 'Manilenyong-Manilenyo pa rin'

By Kristian Eric Javier
Published April 30, 2024 4:18 PM PHT
Updated April 30, 2024 5:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kapuso, Sparkle stars set to bring romance, laughs, chills at MMFF starting Dec. 25
Bacolod hospital detects infection, reduces bed capacity
Charlotte Austin celebrates birthday with fans and loved ones

Article Inside Page


Showbiz News

Joaquin Domagoso and father Isko Moreno


Alamin kung ano ang masasabi ni Joaquin Domagoso tungkol sa amang si Isko Moreno.

Bukod sa pagiging magaling na aktor, hinahangaan rin ang Black Rider star at dating Manila Mayor na si Isko Moreno. At ayon sa kaniyang anak na si Joaquin Domagoso, ay hindi naman ito masyado nagbago sa pakikitungo sa mga tao, at sinabing “Manilenyong-Manilenyo pa rin” ang kaniyang ama.

Sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ikinuwento ni Joaquin na involved pa rin ang kaniyang ama sa politics kahit na wala na siya dito.

“I don't know how but parang na-i-involve pa rin siya sa politics kahit hindi na siya politics. Maraming pumupunta pa rin sa office, nanghihingi ng advice kay Papa ko,” sabi niya.

Ayon pa sa kaniya ay kahit wala na sa posisyon ang kaniyang ama ay may ilang tao pa rin, tulad ng mga business owners at ibang pulitiko, na may respeto pa rin sa dating mayor.

Sabi pa ng Lilet Matias: Attorney At Law star, hindi naman ang kapangyarihan ng kaniyang ama bilang dating Mayor ang dahilan kung bakit siya mahal ng tao. “'Yung smarts niya, 'yung decision-making niya. He's very helpful. At si Papa, hindi siya nakakalimot ng tao.”

Pag-alala ni Joaquin nang minsang kumain sila ng ama sa restaurant nila, “Kumain kami, dumaan kami dito, may mga taga-Manila. Pag pasok lang namin, narinig ko si Papa, 'O, kumusta Tiyuhin mo? Narinig ko nasa ospital.' Ta's isa-isa sila, nag-mention siya ng bagong news na 'Uy, kamusta 'yung ganiyan, o, nabalitaan ko,' alam mo 'yung pagkatao niya, never nawala. Manilenyong-Manilenyo pa rin.”

“Hindi siya nawala sa chismis, hindi siya nawala sa balita,” sabi pa niya.

BALIKAN ANG PAGPIRMA NI ISKO SA SPARKLE SA GALLERY NA ITO:


Samantala, aminado naman si Joaquin na marami ang nagpapakita ng suporta kay Isko kung tatakbo itong muli sa pulitika. Ngunit aminado rin ang young actor na sa ngayon ay hindi pa niya masabi kung gugustuhin ba ito ng kaniyang ama.

“I couldn't say. Kahit si Papa noon, sinabi niya, hindi siya tatakbo. pero tumakbo pa rin. What I can tell you right now is ngayon, ayaw ni Papa tumakbo. His heart, ayaw niya muna,” sabi niya.

Ngunit kung siya ang tatanungin ng kaniyang ama, ang sagot ni Joaquin, “Oo, Papa, go!”

“I mean people always... I missed 'yung times na marami siyang pina-project na ganu'n, tapos ang daming natutuwang tao,” sabi niya.

At nang siya naman ang tanungin kung may balak siyang pumasok sa pulitika, ang sagot ni Joaquin, “I don't know if I'm gonna run, pero the door is not closed."

Dagdag pa ng young actor, “Ang important sa'kin is kung tatakbo man ako, kailangan kong patunayan na hindi ako bobong tao, may pinag-aralan ako. Because I don't want to run and win and just win,” sabi niya.