GMA Logo Joaquin Arce
Source: joaquinsarce (IG)
What's Hot

Joaquin, naging emosyonal sa kanyang 'sacrifice task' sa 'Pinoy Big Brother'

By Mark Joseph F. Carreon
Published February 22, 2026 1:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cup of Joe's Gian Bernardino makes surprise appearance at Maki's concert
M/V Trisha Kerstin 3 sinking death toll now at 65
Khalil Ramos and Gabbi Garcia celebrate 9th year anniversary with nostalgic video tribute

Article Inside Page


Showbiz News

Joaquin Arce


Matapang at inspired na hinarap ng 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemate na si Joaquin Arce ang kaniyang “sacrifice task.”

Sa pinakabagong episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, pormal nang sinimulan ng housemate na si Joaquin Arce ang kanyang “sacrifice task.”

Ang naturang task ay iniaalay ni Joaquin upang makapagbigay ng supply ng pagkain para sa mga housemates na kasalukuyang nasa “Ultimate Eye” na sina Caprice Cayetano, Lella Ford, Krystal Mejes, at Ashley Sarmiento.

Sa kanyang masinsinang pakikipag-usap kay Kuya, ipinaliwanag ni Joaquin na mahalaga ang task na ito dahil sa malalim na koneksyong nabuo sa pagitan nila sa loob ng bahay.

Aniya, “The connection I've built to these people, that's enough to make me sacrifice for them.”

Higit pa sa laro, ginamit din ni Joaquin ang pagkakataon upang ipahayag ang lalim ng kanyang pagmamahal sa pamilya.

Inihambing niya ang kanyang dedikasyon sa mga kasamahang apat na buwan pa lamang niyang kakilala sa mas matinding sakripisyong handa niyang ibigay para sa kanyang mga mahal sa buhay.

“On top of that po Kuya, if I'm willing to sacrifice for the people I've known for four months, what more would I be willing to sacrifice for the family. And what more would parents be willing to sacrifice for their children,” emosyonal na pahayag ni Joaquin.

Para kay Joaquin, ang tunay na pagsasakripisyo ay hindi nararamdamang pabigat kung ito ay udyok ng pagmamahal.

Dagdag pa niya, “If a sacrifice is done for someone you love, it wouldn't feel like a sacrifice.”

Sa huli, inialay ni Joaquin ang tagumpay ng kanyang task sa kanyang ina, na ayon sa kanya ay isinantabi ang sariling mga pangarap para lamang siya ay mapalaki nang maayos.

“My mom sacrificed po 'yung mga dreams po niya, 'yung mga job opportunities po niya. She could've earned so much more, she could've chased after what she really wanted in life. And all of that was just [gone], just to raise me,” pagbabahagi niya.

Related Gallery: Get to know Joaquin Arce, PBB Celebrity Collab Edition 2.0 housemate