
Hindi pa tapos ang birthday celebration ng tinaguriang Henyo Master na si Joey de Leon.
Hindi pa tapos ang birthday celebration ng tinaguriang Henyo Master na si Joey de Leon.
Matapos magdaos ng kanyang kaarawan sa Macau kamakailan, kung saan nakasama niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan, isa na namang sorpresang selebrasyon ang naganap noong nakaraang Sabado, October 22 na pinamunuan ng anak niyang si Jocas de Leon.
Sa Instagram post ni Jocas, makikita ang larawan nilang magkakapatid na sina Jio at Jako kasama ang kanilang ina na si Eileen. Kasama rin nila sa larawan ang kanilang half sister na si Cheenee at half brother na si Kempee. Sa caption ng dalaga, dinaluhan ng mas maraming kaibigan at pamilya ang naturang surprise party.
Si Jako man ay nagbahagi rin ng ilang larawan mula sa party.
MORE ON JOEY DE LEON:
LOOK: Joey de Leon shares throwback photo with 'Eat Bulaga' dabarkads
Joey de Leon appears in a documentary about legendary rock band, The Beatles