
Ilang tulog na nga lang ay mapapanood na ang Untold, ang pinakabagong psychological horror movie ng taon na pagbibidahan ni Jodi Sta. Maria.
Ngunit ano nga ba ang interpretasyon ng aktres sa kaniyang bagong proyekto?
Ayon kay Jodi sa kaniyang kuwentuhan sa King of Talk na si Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, April 28, ang Untold daw ay isang “psychological horror” na mag-uukit ng tanong sa mga manonood.
“Some would say that it is a horror movie in terms of because it has that parang usual na mga jump sacres, 'yung pananakot. But for me, the way I interpreted the script, it's a psychological thriller, it's a psychological horror, and I think, kapag pinanood ninyo, kahit kayo mapapatanong: Is this a classic horror film, or is this something else?” ani Jodi.
Kuwento pa ni Jodi, malaki raw ang pagkakaiba nito sa mga dramang nakagisnan niya dahil sa mga physical demands ng bawat eksena.
Paglalahad ng aktres, “Napakapisikal po, maraming takbuhan, sigawan, at the same time, nandu'n 'yu ng katatakutan, 'yung ibang klaseng fear din na nanggagaling din sa kaibuturan ng iyong puso.”
Mapapanood ang Untold simula ngayong Miyerkules, April 30, isa iba't ibang sinehan nationwide. Makakasama rito ni Jodi Sta. Maria sina Joem Bascon, Juan Karlos, Mylene Dizon, Kaori Oinuma, Sarah Edwards, Sparkle actress na si Lianne Valentin, at Gloria Diaz.
KILALANIN ANG UNTOLD AT SPARKLE ACTRESS NA SI LIANNE VALENTIN DITO