GMA Logo  Jodi Sta Maria Thirdy Lacson
Courtesy: jodistamaria (IG)
Celebrity Life

Jodi Sta. Maria at anak na si Thirdy, magkaklase sa culinary class!

By EJ Chua
Published July 5, 2023 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

 Jodi Sta Maria Thirdy Lacson


Jodi Sta. Maria kay Thirdy: “So happy to be your classmate anak…”

Kamakailan lang, ibinahagi ni Jodi Sta. Maria sa social media na nagtapos na sa senior high school si Thirdy, ang kanyang anak sa dati niyang partner na si Pampi Lacson.

Sa kanyang post sa Instagram nito lamang Miyerkules, July 5, masayang ibinahagi ni Jodi sa kanyang followers na magkaklase sila ngayon ng kanyang anak sa culinary class sa Center for Asian Culinary Studies.

Makikita sa photos ang ilang larawan ni Jodi habang kasama niyang nagbe-bake ang kanyang anak at ang iba pa nilang mga kaklase.

Ayon sa award-winning actress, matagal na nilang pinag-uusapan ng kanyang anak na sana raw ay maging magkaklase silang dalawa.

Sulat niya sa caption ng kanyang IG post, “Dati pinag uusapan lang natin na sana maging magkaklase tayo and today that happened. So happy to be your classmate anak. Always here to support you every step of the way…”

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Ang naturang post ng aktres ay mayroon nang 36,700 likes at patuloy itong umaani ng positibong mga komento mula sa kanyang followers.

Kasalukuyang napapanood si Jodi bilang isa sa lead stars ng biggest collaboration series ng GMA, ABS-CBN, at Viu na Unbreak My Heart.

Kasama niya sa serye ang kanyang co-Kapamilya star na si Joshua Garcia, Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Richard Yap, at iba pang aktor.

SILIPIN ANG TRAVEL MOMENTS NINA JODI STA. MARIA AT THIRDY SA GALLERY SA IBABA: