
Ibinida ng Unbreak My Heart actress na si Jodi Sta. Maria sa kaniyang Instagram ang larawan ng kaniyang anak na si Thirdy na ngayon ay certified binata na.
Sa nasabing post, makikita si Thirdy sa kaniyang '90s formal outfit, brushed up style hair, habang nakasuot pa ng iba't ibang chain accessories, para sa kaniyang graduation ball.
“Oh, how you've grown! Flex ko lang yung binata ko. I love you always, anak,” caption ni Jodi sa mga larawan.
Hindi naman napigilan na magkumento ng iba pang celebrity sa nasabing post ni Jodi gaya ng kaniyang co-star sa Unbreak My Heart na si Nikki Valdez, kaibigan na sina Iwa Motto, Anne Curtis, at Iza Calzado.
“Ang bilis naman biglang mama na si Thirdy! You must be so proud of him, my love,” ani Iza.
Kamakailan lamang ay bumida rin muli sina Jodi at kaniyang anak na si Thirdy sa commercial ng isang sikat na local fast-food chain.
Samantala, mapapanood naman ang Unbreak My Heart kasama si Jodi, Joshua Garcia, Richard Yap, at Gabbi Garcia ngayong May 29 na sa GMA.
Para naman sa advance streaming, maaari itong mapanood sa May 27, 9:00 p.m. sa GMANetwork.com, iWantTFC, at Viu.
SILIPIN ANG CUTEST PHOTOS NINA JODI STA. MARIA AT KANIYANG TRAVEL BUDDY NA SI THIRDY SA GALLERY NA ITO: