GMA Logo jodi sta maria and aga muhlach
What's Hot

Jodi Sta. Maria, hindi nakatanggi kay Aga Muhlach

By Nherz Almo
Published September 15, 2026 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 26 (Sept.16, 2026) - GMA News Special Coverage
Ram Chavez, Andam sa Bag-ong Hagit Isip Solo Artist | Balitang Bisdak
The Young Achievers Podcast Ep 3: Abi Marquez aka Lumpia Queen

Article Inside Page


Showbiz News

jodi sta maria and aga muhlach


Jodi Sta. Maria, sa pakikipagtrabaho kay Aga Muhlach sa unang pagkakataon: “Parang pinch-me moment.”

Magpapahinga na raw sana si Jodi Sta. Maria sa paggawa ng anumang proyekto ngayong taon. Pero hindi ito nangyari dahil nagkaroon siya ng movie offer—ang 2nd Miracle in Cell No. 7, na isa sa official entries sa 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Sa totoo lang this project came as a sweet surprise,” sabi ni Jodi sa ginanap na cast reveal ng pelikula noong Biyernes, September 11.

“Napag-usapan na namin ng management ko na, I think, this year quota na ako sa mga proyektong nagawa ko. Pwedeng rest na muna then, puwedeng mag-start na next year.

“Then, this project came along. I was like, 'How do you say no to this.' The script came over, binasa ko siya, and then, nag-pitch pa sila. I was like, yeah, I want to do this. So, kakainin ko yung sinabi ko, I think I'm still good for one more to end this year.”

Bukod sa magandang materyal, magandang pagkakataon din daw ito para makatrabaho na ang ang award-winning actor na si Aga Muhlach. Siya rin ang bumida sa unang installment ng pelikula, na Filipino adaptation ng Korean hit movie na Miracle in Cell No. 7.

Paglalahad ni Jodi, “Sometimes you just catch yourself thanking God, na parang oh my God ang dami pa rin palang possibilities.

“Hindi ko naman kasi inakala na makakasama ang isang Aga Muhlach sa isang pelikula at MMFF entry pa. Parang pinch-me moment pa rin siya for me.

“Nabasa ko yung first draft ng script, sabi ko maganda na. Pero nung pinadala nila yung latest draft, sabi ko, I'm actually fired up to shoot na and to work na.

“To actually be given the chance this opportunity to work with new people that I have not worked with before, doon din ako nae-excite.”

Related gallery: Jodi Sta. Maria, iiwan na nga ba ang showbiz?

Sa parehong event, nabanggit ni Aga na si Jodi na talaga ang nasa isip niya sa role na kanyang gagampanan.

“When this movie was presented, sabi ko, wala nang iba talaga. I wanted her, and we needed her, bahala na. Maraming salamat sa Panginoong Diyos at pumayag siya.

“Maraming salamat, Jodi, for saying yes. Nagsasawa na ito sa akin kaka-thank you kasi parati akong nagpapasalamat talaga. Maraming salamat talaga. Wala nang iba talaga.

“Siguro kapag nag-umpisa na kaming mag-shoot ng pelikula, doon n'yo makikita kung bakit siya.”

Bagamat isang local adaptation, isa ang Miracle in Cell No.7 sa mga tinangkilik ng mga manonood sa 2019 MMFF movie.

Dahil dito, inamin ni Jodi na may pressure din siyang nararamdaman bilang bahagi ng second installment ng pelikula.

Paliwanag niya, “Well, kung sa pressure at pressure lang, siyempre, nandun yun. Sa kahit anong project na ginawa ko, I think, hindi nawawala sa akin yung nape-pressure ako.

“Kapag gumagawa ako ng isang proyekto, iniisip ko kung magagawa ko ba siya nang tama. May mga times na I would even doubt myself kung mapu-pull off ko ba yung character.

“Iba kasi yung nagtitiwala sa 'yo yung mga taong kumuha sa 'yo. Pinaniwalaan ka nila, kumbaga, nagtiwala sila sa 'yo. Gusto mo na masuklian yun.”

Dagdag pa niya sa huli, “I know that nung 2019, this was such a big hit. Now, 2026, and me joining the cast, joining the movie, I really don't have an answer for that.

“I just do hope and pray na yung same support and same love na ibinigay ng mga tao na naka-experience at nakapanood ng Miracle noong 2019 ay i-extend nila ang love and support nila for this one.”

Bukod sa 2nd Miracle in Cell No. 7, bahagi rin ng 2026 MMFF ang pelikulang Amir, na ipoprodyus ng GMA Pictures. Bibida rito sina Dennis Trillo, Will Ashley, Glaiza de Castro, at ang child star na si Argus Aspiras

READ: GMA Pictures' 'Amir' named official entry to MMFF 2026