GMA Logo Jodi Sta Maria
Image Source: jodistamaria (Instagram)
What's Hot

Jodi Sta. Maria, iginiit na may karapatan ang artists na magsalita tungkol sa pulitika

By Aedrianne Acar
Published May 23, 2026 10:26 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dead sea cow washes ashore in Iloilo
Gibiling Bag sa Minglanilla, Cebu, Nakamugna og Kahadlok | Balitang Bisdak
This coffee chain just gave its matcha drinks a creamier, richer upgrade

Article Inside Page


Showbiz News

Jodi Sta Maria


Kinontra ni Jodi Sta. Maria ang pananaw ng isang netizen na dapat ay hindi siya naglalabas ng opinyon tungkol sa estado ng pulitika sa bansa, at iginiit na responsibilidad ng bawat mamamayan na manatiling mulat sa mga isyung panlipunan.

Patuloy na ginagamit ni Jodi Sta. Maria ang kanyang boses upang hikayatin ang publiko na maging mapanuri at mulat sa mga isyung panlipunan at pampulitika sa bansa.

Kabilang ang award-winning actress sa mga celebrity na hindi natatakot magbahagi ng kanilang pananaw tungkol sa kasalukuyang estado ng pulitika sa Pilipinas upang mahikayat ang mga tao na makialam at maging informed citizens.

Kaugnay ng naging tensyon sa Senado kamakailan, nag-post si Jodi sa X kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging mapili sa mga taong sinusuportahan.

Aniya, “You become the person you worship. Whatever or whoever you devote yourself to eventually shapes your character, values, and identity.”

“Choose wisely.”

A post shared by Jodi Sta.Maria (@jodistamaria)

Samantala, mahinahon ding sinagot ni Jodi ang isang netizen matapos siyang payuhan na huwag nang magkomento tungkol sa pulitika.

Nag-ugat ito sa kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang ilang behind-the-scenes moments nila habang nagsu-shoot ng pelikulang Midnight Girls sa Japan.

Ayon sa netizen, mas makabubuti umano kung iiwas na lamang si Jodi sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa political issues.

Ngunit magalang itong nilinaw ng aktres:

“Thank you 🤍 artists are citizens first.

“We all have a responsibility to stay informed and care about the issues that affect people's lives.”

Source: jodistamaria (IG)

Samantala, makakasama ni Jodi sa Midnight Girls sina Jane Oineza, Loisa Andalio, at Sanya Lopez. Ang pelikula ay idinidirehe ni Irene Villamor.

RELATED CONTENT: 'God bless the Philippines': Celebs react to latest political events