GMA Logo Jodi Sta Maria, Thirdy
PHOTO COURTESY: @jodistamaria (Instagram)
What's on TV

Jodi Sta. Maria, nagbago ba ang dynamics sa anak na si Thirdy?

By Dianne Mariano
Published April 22, 2026 8:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

5 architect-backed tips to keep your home cool this summer
Military stands by clash that left 19 alleged NPA members dead
Misamis Oriental welcomes Miss Universe Philippines delegates

Article Inside Page


Showbiz News

Jodi Sta Maria, Thirdy


Ibinahagi ng seasoned actress na si Jodi Sta. Maria ang kanyang relationship ngayon sa anak na si Thirdy.

Ikinuwento ng batikang aktres na si Jodi Sta. Maria ang evolving relationship niya sa anak na si Thirdy sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda.

Sa pagbisita ng Midnight Girls star sa naturang programa, ibinahagi niya ang mga bagay na nagbago at hindi nagbago sa kanilang sa dynamics bilang mag-ina.

“Ngayon 'yung relationship namin ni Thirdy, siyempre when he was younger, naiintindihan ko 'yung pagiging dependent niya sa akin because, of course, I'm the mother. But now, nandoon na siya sa point ng life niya that he's trying to find his place in the sun. And then, meron na siyang mga peers niya, mabibilang mo lang naman sa kamay niya.

“Most of his days are spent outside of the home because he goes to school. He's in the university na rin. But I think, kung may isang bagay na hindi nagbabago is 'yung relationship naming dalawa. Hindi kami mag-best friend pero more of 'yung talagang, nanay [at] anak,” kuwento niya.

Ayon pa kay Jodi, nag-iba na ang mga napag-uusapan nila ng kanyang anak ngayon.

Aniya, “It's more like we have conversations about life. He asks about how to set goals in life.”

Dagdag pa ng celebrity mom, na-a-appreciate niya ang pagiging open ni Thirdy sa kanya.

“He's very open and alam ko kapag meron siyang gustong imungkahi or idulog sa akin, lagi niyang sasabihin, 'Mama, gawa tayo ng pizza.' So kapag sinabi niya sa akin na 'Mama, gawa tayo ng pizza,' alam kong meron siyang, sabihin nating, isang desisyon na kailangan niyang gawin. So 'yun, pag-uusapan namin habang gumagawa kami ng pizza sa bahay,” pagbabahagi niya.

Bukod dito, sinabi rin ni Jodi na okay sa kanya na magkaroon ng girlfriend si Thirdy, ngunit kung sasabihin nitong handa na siya para sa “next step” ay aniya'y magiging emosyonal siya.

"Pagkakaroon muna ng girlfriend, okay. Pero kung sasabihin niya, 'Mama, I think I'm ready to take the next step.' Oh my gosh, siguro iiyak na talaga ako nang malala. But you know, wala tayong magagawa because doon naman talaga papunta. That's something that's inevitable and can you ever prepare for that one? I don't think so.

"But siguro, you'll just have to embrace and just let go. Kailangan e, dumarating ka. Hindi ka pwedeng masyadong mahigpit ang hawak mo sa mga bagay-bagay,” saad niya.

Si Thirdy ay ang anak ni Jodi Sta. Maria sa kanyang ex-husband na si Pampi Lacson.


Related content: Jodi Sta. Maria's stunning and sexiest looks